Monday, November 07, 2005

U.B.E.

“Ui pare! Good morning! Hayyy.. Sobrang bored ako.. busy kaba? UBE naman tayo kina Ate Maria..”

“Oo nga eh.. boring talaga! Anyways, ano ‘yang UBE? Pagkain yan ah!”

“Haha pagkain ka jan..UBE stands for Ultimate Bonding Experience

Diyan nagsimula ang pagkalat ng salitang “UBE” sa aking community. Para sa iba, alien ang salitang yan.. Pero sa totoo lang, matagal na ‘yang term na ‘yan. It gives deeper meaning than the usual term of “tambay”. Mas masarap siguro pakinggan kung may magyayaya sayo at sabihin na mag”bonding” kesa sa tambay diba?

The past few days, napadalas ang UBE ko with my community, ang YAM (Young Adults Ministry). Nakakatuwa kasi nagustuhan nila ung term tapos syempre ung ‘bonding’ kahit na panay ang kulitan, kantahan, laro ng baraha at kainan ang aming pinaggagawa. Masaya naman eh! May theme na nga an gaming UBE eh.. “Bored? mag-UBE tayo! Bawal ang KJ!” Kaya para sa lahat ng YAM members, sumama lang kayo pag may nag-yaya ng UBE! Hehe..

Sa kahit anong grupo o samahan, pede ang UBE.. Tulad na lang sa isang kompanya, imbis na “team building”, UBE na lang.. “Everybody, we’ll have our UBE in Boracay next month.” O di kaya sa simbahan, imbis na “prayer meeting”, UBE ang maaaring ipalit. “Brother John Paul, we’ll have our UBE at Maria’s place. Don’t forget to bring your bible.” Pede din sa mag-kasintahan yan, imbis na mag-“date”, UBE na lang. “Darling, miss na kita.. UBE naman tayo mamaya sa mga isawan dun sa kanto nyo..See you ha, love u..” Ayan, ilan lang yan sa mga halimbawa na pedeng ipalit ang salitang “UBE”.

Hay.. ang sarap talaga mag-UBE lalo na kung kasama mo ang mga taong mahal mo, mga taong malapit sa iyong puso. Pero wala ng mas hihigit kung magkakaroon ka ng UBE with God… Panigurado araw araw mong hahanapin yun… Pusta ko, Heaven ang feeling..

O pano, uulitin ko… UBE = Ultimate Bonding Experience. Mag-UBE na tayo! ^_^

2 Comments:

Blogger TR said...

asus!

11:57 PM  
Anonymous Anonymous said...

at last! nabasa ko narin po yung "UBE"..i hope laging may UBE YAM at sana makasama ako... love yah baby!

12:37 PM  

Post a Comment

<< Home