Tuesday, July 12, 2005

Take Me Out Of The Dark, My Lord

..Maky speaks to the Lord in behalf of all Christians..

Just what is it in me
Sometimes I just don't know
What keeps me in your love
Why you never let me go


Lord, sobrang mahal Nyo talaga ako, ano? Minsan sa sobrang inis ko dahil sa ilang kababawang problema, gusto ko ng bumitaw sa Inyo.. Hinde ko maiwasang sisihin Kayo.. Pero nanjan pa din Kayo, hinde ako pinapapabayaan.. At kahit ganito ako na puno na hinanagpis at galit, patuloy Nyo pa din akong minamahal..

And though you're in me now
I fall and hurt you still
My Lord, please show me how
To know just how you feel


Talaga bang ganito, Lord? Akala ko minsan ay napakabuti kong tao pero hinde pala? Paano ba naman.. 'Unconsiously' nasasaktan ko kayo.. Diba pag nakasakit ako ng kapwa, nasasaktan din kayo? Minsan, sinusumpa ko pa sila.. Madalas Lord nagtatampo ako sa inyo na hinde naman dapat.. Lord, siguro binibigyan Nyo ako ng mga pagsubok, ng mga suliranin at problema kasi gusto Nyong masaktan ako at para maramdaman ko ang sakit na nararamdaman Nyo sa tuwing nabibigo ko Kayo, diba? Pero alam ko Lord meron kayong mabuting kadahilanan sa mga ito..

You have forgiven me
Too many times, it seems
I feel I'm not what you might call
A worthy Christian after all
And though I love you so
Temptation find its way to me


Lord, tama Kayo..maraming beses ko na kayong nasaktan at maraming beses Nyo na din akong pinatawad.. Kakayanin ko kaya na magpatawad sa tuwing ako naman ang Inyong sasaktan sa pamamagitan ng mga taong nasa paligid ko? Naiinis nga ako minsan sa sarili ko eh, akala ko talagang nagbago nako nang tuluyan pero hinde pala.. Kahit anong gawin ko, hinde ko maiwasang matukso at magkasala.. Patawarin Nyo po ako..

Teach me to trust in you with all of my heart
To lean not on my own understanding
'Cause I just forget
You won't give me what I can't bear
Take me out of the dark, my Lord
I don't wanna be there


Lord.. sa totoong lang, sadjang takot kami sa dilim, takot masaktan, takot mawalan ng mahal sa buhay, takot magkaproblema.. Pero alam din namin na hinde nyo kami pababayaan basta manalig at magtiwala lamang kami sa Inyo.. Subalit minsan, eto ang nawawala samin..ang Pagtitiwala..patawad po Lord.. sana hinde Kayo magsawa na paulanan kami ng biyaya upang mas lumakas ang aming pananalig..at upang mas tumibay ang aming pagmamahal sa inyo..

You've never left my side
You gave your hand to me
to hold you, Oh Jesus,
I'm no longer in the cold
And yet, I leave you there
When I feel satisfied


Akala ko Lord nawala na kayo sa tuwing makakaranas ako ng hinanakit at gulo.. sa tuwing ako'y naiistress, iniisip ko wala na naman kayo at nagpunta kung saan saan..sa tuwing umiiyak ako, iniisip ko abala kayo sa Inyong mga gawain at ako'y nakalimutang tuluyan.. Pero hinde pala ganun, Lord.. Nariyan pala Kayo parati. At sa tuwing ako'y masaya o di kaya nakakaranas ng kaginhawaan sa buhay, nababale-wala ko Kayo. Minsan pa nga nakakalimutan kong magpasalamat..

I'd like to thank you everyday
Not only when I feel that way
I've never known a man who'd give his life
For sinners like me
And yet because he loves us so
He's promised us eternity
And we can have that promise and be His
If we have faith and just believe


Inaalay ko po sa inyo ang lahat lahat.. lahat ng mayroon ako sa buhay na hinde ko naman dapat angkinin.. Inaalay ko sa inyo ang aking mga kasalanan sapagkat ang mga ito lang ang sadjang hawak ko.. Linisin at pagalingin Nyo po ako, Lord..

Hayaan Nyo rin po akong magpasalamat sapagkat maswerte pa pala ako kumpara sa iba.. na mas mabigat ang dinadalang pasanin..ang dinadalang problema sa buhay.. Pero alam ko Lord na hinde Nyo kami bibigyan ng pabigat na hinde namin kaya.. At sa tuwing bibigay at susuko na Kami, nariyan Kayo para kami ay alalayan.. sa tuwing kami ay bumabagsak, nariyan Kayo para tulungan kaming tumayo..at nariyan Kayo para bigyan kami ng lakas at pusong nagmamahal sa aming kapwa at sa Inyo.. Salamat Lord..

2 Comments:

Blogger TR said...

He's beaming up above because he's proud of you. Keep it maky!

11:22 AM  
Anonymous Anonymous said...

iba ka makmak! =b

tunay na nakapagpapatibay ng pananalig. =)

pagpatuloy mo yan. =)

2:10 PM  

Post a Comment

<< Home