Wednesday, January 19, 2005

Viscious Cycle

Ako: "Pare, ano kaya magandang topic ang pedeng ilagay sa blog ko?
Raf: "Work. Preschool Elementary Highschool College Work Family. Kung ganyan ba talaga ang proseso"
Ako: "Ayan salamat pare! oks yan."

Nakakatawang isipin, karamihan sa aming barkada ay nagtatrabaho na. Ang bilis lumipasng panahon, anoh? Kelan lang, bulinggit pa tayo. Uso pa nun yung "Teacher! teacher,alam ko pa ang sagot!" Halos lahat tayo sabay sabay sumasagot. Ito yung panahong napaka-aga nating gumising kasi dadating na ang school bus (kasama na dito yung tantrums kasi ayaw mo pang gumising! hehe). Madalas tayong nasesermonan ng ating mga magulang kasi mas gusto natin maglaro, makipaglaro sa kapitbahay. Pero syempre, nariyan ang magulang natin para gumabay sa ating pagaaral. Gusto kasi nila puro "Excellent" at "Very Satisfactory" ang ating mga grado. Wala pa tayong iniisip ng ganitong panahon kundi Batibot, G.I. Joe, Marvel, Transformers, Sesame Street, etc. Eto ang Preschoool at Elementary days.

Pagkalipas ng ilang panahon, panibagong level na naman ng buhay. Nagkaroon ng panibagong kaibigan at nabuo ang barkada. Natuto kana din manligaw(tuli na eh! haha)
at magpaligaw (at syempre may dalaw kana :p). Dito nangyari yung cutting classes, bumagsak o pagtanggap ng honor, mini-gimik sa mall. Natuto kana din magrebelde sa teacher at madalas asa guidance center o prefect of students office.(haha pasaway ka kasi!). Dito kahit papano, hinde mo na hinahanap ang laruan kundi pamporma at panlakwatsa. Uso na dito ang billiards, tambay sa kanto, inuman ng onti, Magic the Gathering at ang Internet. Naganap ang junior-senior prom at ang pinakabonggang graduation ball. Eto ang Highschool days.

Nagkawatak watak na kayo ng mga kabarkada mo sapagkat iba't-ibang unibersidad at
kolehiyo ang inyong pinasukan. Nagkaroon ng new set of friends. Natuto na kayong
uminom hangang umagahin, mas napadalas ang paglalakwatsa at pagsha-shopping. Hinde na "teacher" ang nagtuturo at nangangaral sa inyo kundi "mam" at "sir". Tinuring na
kayong young adults. Napadalas ang puyatan dahil sa quizzes at midterm exams. Mas napadalas ang paghinge ng pera sa magulang dahil gastusing pang-"eskwelahan" kuno pero sa date ginagamit at inuman. Halos nasunog ang kilay dahil sa mga feasibility studies, final project at thesis. Dito, natuto kang magmahal at manakit. Eto ang College days.

Eh ngayong tapos kana sa pag-aaral, ano ang susunod? Syempre ang maghanap-buhay. San ka kukuha ng pang-gastos? Kay Mommy? Kay Daddy? (mahiya ka naman, pare..) Pero syempre para dun sa mayayaman, d na kelangan hanggat sila mismo ang may gusto magtrabaho. Eto na 'yung stage na magiging independent na talaga tayo 100%. Pero
habang wala pang trabaho, maaaring humingi ka muna sa magulang mo pero huwag syempreng abusuhin. Habang walang trabaho, marami ka namang pedeng gawin tulad ng
pagbabasa, maghanap ng business o kahit anong bagay na sa tingin mong magiging produktibo ka.

Mabilis ang takbo ng panahon, kasabay ng Work ay 'yung pagpaplano mo para magkaroon ng magandang pamilya. Ganito ang buhay.. Tuloy tuloy.. Viscious cycle kumbaga.. Si Lord ang nagplano nyang lahat. Lahat dadaan sa ganitong proseso. Lahat maghihirap at
syempre nasa huli ang saya at tagumpay. Trabaho na! Kilos na!

1 Comments:

Anonymous Anonymous said...

Hay ang bilis talaga ng panahon. Baka sa susunod na gising ko, nakagraduate na pala ang baby ko. Hahaha. =b

12:47 PM  

Post a Comment

<< Home