Saturday, November 13, 2004

Emil at Sol

Tagpuan: Bahay, kwarto ni Pido
: alas - 7 ng umaga

Nanay: "Pidooooooo! Gumising kana diyan, bruho ka! May pasok kapa!"
Pido: "Ang aga-aga pa `mi!" (pupungat-pungat at may asim ang mukha)
Nanay: ""Anong maaga pa? Tignan mo nga ang relo mo!"
Pido: "Wala akong relo, `mi! Bili nyo ako..."
Nanay: "Diyan ka magaling! Puro ka pabili! Ang dami na nating gastusin! Matuto kang magtipid! Bumangon kana diyan at baka makatikim ka sakin. Pede kang mamili sa kurot ko o sa sinturon ng daddy mo!"
Pido: (bumubulong) "Walanjo naman talaga oh, tinatamad akong pumasok eh! Masarap humiga at matulog.."

Tagpuan 2: Hapag-kainan

Tatay: "Iho, san ka na naman ba galing kagabi? Kaya ka hinde magising-gising kasi nagpupuyat ka. Masama na `yan ha.."
Pido: "`Di, diyan lang ho sa barkada ko. Bonding lang tapos onting inuman."
Tatay: "Mukhang napapadalas na inuman ninyo ah. Magpahinga naman kayo! Saka hinde din maganda `yan sa katawan pagtagal."
Nanay: "Ok lang sana `yan kung hinde lang kayo masyadong inuumaga. Eh halos maabutan mo na ang pagtilaok ng manok kung makauwi ka."
Pido: (gustong-gusto nang dumahilan at sumagot pero minabuti na niyang tumahimik at bumulong na lang sa sarili) "Ke aga-aga, napagsabihan na naman ako! Walastik!"
Tatay: "Anong binubulong-bulong mo diyan?"
Pido: "Wala po. Pasensya na po at hinde na mauulit.." (may pagkayamot)

Bago pa makaalis ng bahay si Pido, nakaranig pa siya ng 'goodbye message' sa kanyang nanay..

Nanay: "Anak, tandaan mo, hinde ka namin pinapaaral para magbulakbol kundi para matuto at makata
pos. Hinde masama ang makipag-barkada o magbulakbol basta ilagay mo lang sa lugar. Kapag pinagsasabihan ka, `wag ka lang makinig. Kapag pumasok sa isang tenga, hinde dapat lalabas sa isa na kadalasan na ginagawa ng karamihan ng kabataan kapag pinapangaralan ng magulang. Balang araw ay pasasalamatan mo din kami ng daddy mo. Balang araw ay magiging magulang ka din. Para sa'yo lahat ng ito kaya gusto namin na lumaki kang mabuting tao at magkaroon ng matiwasay na pamumuhay at kinabukasan. Ganyan ka namin kamahal, anak."

Naiyak na lang si Pido, yumakap sa kanyang nanay at pumasok na...

-wakas-

Hmmm..malamang ang iba sa inyo ay nakaranas na ng ganitong sitwasyon - napagsabihan, nasermonan, napagalitan, nabungangaan, napangaralan. Iilan lang ang magulang na ganyan - may paki-alam. `Yung iba nga, wala ng pakialam at naging pabaya na lang. `Yung iba naman masyadong ini-'spoil' ang kanilang mga anak.

Marami na din sa atin ang nainis, nagtampo, nagalit, nagreklamo, naglayas at worst naging miserable ang buhay sapagkat napagsabihan. Hep hep hep! Magisip ka muna saglit, kaibigan...

Walang ibang hangad ang isang magulang sa kanyang anak kundi ang magandang kinabukasan. At kung sa tingin mo ganito ang gustong mangyari sa'yo ng magulang mo, tanggapin mo ang kanyang pangaral. Isang masinsinang paguusap ang kailangan para maibahagi mo nang maayos ang iyong saloobin at 'concerns'.

Basta ako, masaya at maswerte ako sapagkat mayroon akong Emil at Sol.





2 Comments:

Anonymous Anonymous said...

nothing can ever replace the love we receive from our parents... every tear shed.. every sacrifice they make... everything that they do for us is a true expression of God's amazing love for us :)

7:56 PM  
Anonymous Anonymous said...

i agree..sobrah..parekoy u never cease to amaze us all..paganda ng paganda mga blog mu ah..*hug* ako can relate ako sobrah..lhat ng cnbi mo npgdaanan kna..tama lng na ipakita mo s magulang mo ang 22ong nrrmdman mo..nde pdeng tahimik k lng..kc pg cla nwala na..ang mga tntago mo..ang mga hinanakit at pagmamahal mo pra sknla..nde mna mssbi..lets all show them how much we love and appreciate all their efforts,sacrifices and most of all,their love 4us..because they really deserve it..our parents are one of the most precious gifts from God..^_^ *muahugz* parekoy..natouch ako d2..^_^

8:49 PM  

Post a Comment

<< Home