Tuesday, October 12, 2004

Kamusta Ka Na?

Ahhh.. Eto na naman ako.. Nababaliw.. Kung ano-ano ang iniisip.. Hinde na naman mapakali.. Ikaw na naman ang iniisip..

Kamusta kana ba..Mukang masyado kang abala sa pag-aaral ah. Masyado ka ng nagsusunog ng kilay. Bakit panay libro, reviewers, hand-outs ang hawak mo? Tignan mo nga ichura mo, lalim na eyebugs mo, hagard na hard kana.. Hinde ko sinasabing mag-aral ka ng mabuti pero sana'y wag mokong kalimutan.

Alala mo pa ba nung panahong lagi mo akong inaayusan? Madalas mo akong pinagmamalaki kasi super presentable ako! Eh ba't ngayon tila napabayaan mo na ako..

Kamusta kana ba..Paguwi mo ng bahay, trabaho pa din? Hinde ba dapat sa opisina lang ginagawa ang mga yan? Kaya nga "office work" ang tawag eh at hinde "home work". Bakit panay 'business' ang nasa utak mo? Panay pagpapayaman? Tama ba ako? Balikan mo naman ako! Miss na kita eh. Dahil sayo, feel ko stress na stress na ichura ko. Kelangan ko ng stress tabs, pare.

Alala mo pa ba noong nag-aaral kapa? Panay ang ayos mo sakin. Minu-minuto mo akong pinopormahan. Palibasa may panahon ka pa sa'kin! Tapos ayaw mo akong mapahiya sa mga kaibigan mo. Kasi gusto mo lagi akong mahalimuyak tulad ng isang bulaklak kaya panay pabango mo sakin, gusto mo wala akong pimple. Gusto mo sexy pa din ako..

Kamusta kana ba..Aba nga naman, mukang busy kana sa minamahal mo ah! Wala kana bang panahon sakin? Ngayon naman, siya na ang kinakareer mo. Eh pano nako? Sige ka, hinde ka nya magugustuhan kung kakalimutan moko! Sensya na ang drama ko ah.. Miss na kasi kita eh. Mabuti sana kung pati ako inaalagaan mo, eh hinde na eh, sa kanya kana lang palagi.. Pano na ako?

Siguro nakukulitan kana sakin noh? Oo paminsan demanding ako, minsan nakakairita. Kelangan ko din na panahon mo eh. Masyado kang abala sa ibang bagay at nababale-wala mo na ako. Sige ka! Ikaw din ang magsisise sa huli. Baka mabaliw ka nyan! Haha.. Mukha na ba akong tanga? O sige, paalam muna ah. Wag mo sana akong kalimutan. Paalam!

..Ay teka! Nakalimutan ko pala sabihin sa'yo pangalan ko.

Sarili Mo.

5 Comments:

Anonymous Anonymous said...

hahah ayos na blog to ah parang philosophical na ewan. oi maky dudap ayaw maniwala nina Allan and Dustin na maka-Diyos ka na hehehe. oist si ica nga pala to :P ibobookmark ko na tong blog mo. ayos na basahin eh hnde crap. kudos!

10:02 PM  
Blogger riz said...

kala ko nanay mo yung nagsusulat eh. hehe :)

haay nako maky.. wag msyadong magpastress sa work! sometimes, it's ok to detach yourself from the world and do the things you love doing naman. (gaya ng pumorma at magpapogi hehe)

keep the faith dude. God bless. :)

2:52 PM  
Anonymous Anonymous said...

hi parekoy..nice works tlga..*bow* *bow* lhat ng pnpost mo bnbasa ko..^_^ keep it up..ur doin a very sweet n cute job here..*muahugz*

11:27 PM  
Anonymous Anonymous said...

etong post n 2 parekoy..ang kyut..wla lng..ang kyut lng tlga..un lng mssbi ko..naalala ko sarili ko dun s "eyebags" part..hahaha..*muahugz*

11:51 PM  
Blogger KC said...

hahaaaaaaayyyyyy aral aral aral! handouts, sangkatutak na handouts basahin.. quiz bukas.. review for 5mins, midterm na mamaya. research research.. ipapasa na bukas! grbe.. ngarag na ko e. pro kht papano, nde ko nmn napapabayaan ang sarili ko. e ikaw, kamusta ka naman?

8:29 AM  

Post a Comment

<< Home