Saturday, January 01, 2005

Happy New Year *arf arf*

Oh yeah! Una sa lahat, maligaya at manigong bagong taon sa inyong lahat! 2005 na! Hehe.. O kay bilis naglaho ng 2004.. pansin mo? Wala lang, madaming pangyayari at tao na naman ang ating makakasalamuha ngayong bagong taon.

Pero hinde tungkol sa 2005 ang aking paksa sa entry na ito. Sirit? Mamaya na.. hehe.. kasi ganito yun..

Tuwing magbabagong taon, lahat tayo nagiging aktibo, lahat naghahanda - bumibili ng paputok, nagluluto ng masasarap na pagkain (oh i love lasagna! singit lang hehe), nagpapakasaya, kumakanta at kung ano ano pang gawaing pangkasiyahan.. samantalang yung iba naman ay nalulungkot, may problema, kumukunot ang noo, umiiyak.. kakalungkot anoh?

Pero habang "busy" ang aking buong pamilya, hinde ko namalayan asa labas pala ako ng bahay (hinde labas ng gate ah), nakikipaglaro sa aming aso.. tapos bigla kong naisip at naitanong ko sa sarili..

"Pano kayo naghahanda ang mga aso ng kanilang bagong taon?"

Pano kaya..? Eh kung mag-isa lang sila sa isang tahanan? walang kasama..siguro malungkot din sila anoh? Pano kaya sila naghahanda? Eh diba parang tao din ang aso? Hay.. Buti na lang merong amo na katulad namin ang aming alaga.. Kasi kahit hinde bagong taon, araw-araw na bagong taon ang idinidiwang na aming alaga sa aming bahay.

Bakit ko nasabi yun? Sapagkat itinuturing din namin sya bilang isang kapamilya at kapuso. (hehe corny amp) Pero totoo. Binibigyan namin ng tamang pagkain, pinapaliguan isang beses sa isang linggo. Linalaro din namin sya at pinapasyal sa labas ng bahay. Pero hinde pasyal, hinahayaan pala namin. Haha kasi malaki na sya. :) At higit sa lahat, lagi namin syang kinakausap para hinde naman sya mabored o malungkot habang binabantayan nya kami.

Ganun din ba kayo sa inyong mga alaga? :p

Para sayo, Putots(pangalan ng aming doggie :), maligayang taon! We labyu! :D (sayang wala syang letrato..to follow na lang :P)

2 Comments:

Blogger Coraline Jones said...

Oh yeah lab ko doggie namin si Mickey, pati rabbits ko. Spoiled mga yun la ginawa kundi matulog at kumain at tumakbo. Kaya lang takot si Mickey sa paputok kaya nung new year's eve, sinamahan nalang namin sya sa loob ng bahay, hehe

10:57 PM  
Anonymous Anonymous said...

HAPPY NEW YEAR macmac!! :)

:. ayi .:

9:16 PM  

Post a Comment

<< Home