Tuesday, January 11, 2005

Bakit Hinde Mo Subukan? (part 2)

O kay ganda na aking gising. Eh pano ba naman, maaga din kasi ako nakatulog! Thank God at hinde ako binisita ni Insomnia kagabi kaya ayun.. Mejo pupungat-pungat(parang aantok antok) pa ako habang ginagawa ko ito. "Lord maraming salamat at nagising ako at binigyan ng panibagong umaga."

Si Lord talaga napakabait at minsan palabiro.. May mga pagsubok na binibigay at pag naisip mo, mangingiti o matatawa kana lang.. At sadjang mabait si Lord sapagkat mapansin mo man o hinde, nilulunod ka Nya ng "life-enriching" blessings. *mag-reflect ka muna at alamin mo ang mga biyayang ito*

Tungkol san nga pala itong entry na ito? Ahh! It's all about the blessing from Him that you need to utilize to the fullest. Mga bagay na pede mong gawin habang hinde pa huli ang lahat (lalo na kung bored ka at walang magawa). Wag ka mag-alala, ginagabayan ka Nya.

Kelan lang, nakipag-away ka o may naka-away/nagalit sayo. Kahit hinde mo kasalanan, bakit hinde mo subukan maunang humingi ng patawad? Kalimutan ang "pride" at magpakumbaba, diba? Hinde pa huli ang lahat..

Kelan lang, nakabili ka ng kagamitan (damit, gadget, sapatos, etc) pero hinde mo naman ito nagagamit.. o di kaya nagsawa kana.. Bakit d mo subukang ipamigay na lang para mapakinabangan naman ng iba? O di kaya ibenta mo, diba? Siguro naman madami ka nito at for sure mabait si Lord at bibigyan ka Nya in the future.

Cd? Vcd? Dvd? nako! tambak ang ganito mo sa kwarto! Bakit hinde mo subukan pakinggan uli yung mga audio cd mo? Mag-reminisce ka paminsan, nakakagaan ng pakiradam din yun. Panoorin mo uli ung mga vcd/dvd movies mo. Pampalipas oras din yan. At sa bawat pelikula, may lesson to be learned, diba? Go! (ps: wag lang 'yung porn ha. lam mo na baka mahuli ka ni Mommy o ni Daddy..at si Lord nakatingin! hehe)

Matatagal na din mula nung huling sumulat ka ng love letter o di kaya friendly letter? Kung baduy na para sayo yan ngayon, aba nagkakamali ka.. Hinde mo lang alam kung gaano ang ikasisiya ng taong makakatanggap nyan. Baka umabot pa ngiti hangang batok! haha! Sulat ha, hinde i-type sa Ms Word. hehe.. Iba pa din pag sulat kamay :) Bakit hinde mo subukan diba?

Eto since wala kang magawa.. Hinde mo ba alam na blessing din ang walis tambo/tingting at dustpan? Mas magiging blessing yan pag pinagsama mo at ginamit! Para san? syempre sa bahay. Bakit hinde mo subukan na maglinis ng kwarto o buong bahay nyo? (kung paraiso bahay nyo, aba sisihin mo magulang mo at mayaman kayo masyado..haha biro lang!) Subukan mo ngayon wag umaso sa katulong at magbanat ng buto! Ehersisyo na din yan, diba? :) Gudluck!

Dami pedeng gawin, ano? Huwag kang tamarin,pls lang.. hehe. Minsan lang yan. O nga pala, bilang panapos ko sa entry na ito. Bakit hinde mo pala subukang magmahal ng walang reklamo? Minsan lang, mahirap pero kaya. Basta hinge ka lang ng gabay kay Lord. Hinde pa huli ang lahat :)

2 Comments:

Blogger TR said...

hmmm... good point.

10:34 AM  
Blogger Julietearjerky said...

haha..ano ba ito..:P pero ok yan.. keep it up. may kwenta naman a!hehe

10:01 PM  

Post a Comment

<< Home