Thursday, March 17, 2005

Hari Ng Sablay

Oh pls.. pigilan nyo akong sumulat..hehe! Ngayon umaga, habang naghihintay ng trabaho, naisipan kong isa-alala ang mga nakaraan, mag-'reminisce' kumbaga. Sakto, pinatugtog 'yung kanta ng Sugarfree.

Napaisip ako bigla, "Mac, hari ka din ba ng sablay?"...

Aminin natin, lahat tayo nagiging sablay sa iba't-ibang aspeto ng buhay. May sablay sa pag-ibig, sablay sa pag-aaral, sablay sa carreer, sablay sa pananampalataya, etc etc.. Malalim ang mensahe ng kanta, hinde po ba?

Para sa akin, oo hari din ako ng sablay. Minsan inaakala kong perpekto nako. Pero may kasabihang "Nobody's perfect".. eh hinde nila alam ako si Nobody. (haha biro lang). Anyways, oo sablay nga ako pero naisip ko din na sa bawat pagkakamali o sablay, merong aral na napupulot. Ganun din ba sa inyo?

"Pare oks lang magkamali basta sa susunod alam mo na ang dapat mong gawin. Humingi ka ng gabay sa Kanya.."

Yan ang linyang madalas kong sinasabi sa tuwing may lalapit sa'kin para humingi ng payo. Totoo naman eh, kung alam mong nagkamali ka, bumango ka at matuto mula dun sa pagkakamali. Kung sumablay ka ng pangalawang beses, ok lang siguro yun.. kung pangatlong beses, strike 3 and you're out! haha pero oks pa din. Basta bawat sablay, matuto ka. Dahan dahan yan, pare.. Hinde agad nakukuha sa unang sablay..

Sa mata ng Diyos, kahit ilang sablay ka pa, patuloy ka pa din Nyang papatawarin. Eh sa mata na iba, ganun din ba? Hinde siguro. Walang nabanggit na ganyan sa kanta pero meron dito sinabing 10 beses na mali, 1 lang ang tama. Maari? Oo! Eh ano naman ngayon? Atleast may tinama ka pa. Mula dun sa isa mong tama, subukan mong padamihin.. 2, 3, 4.. hangang sa maging 10/10.. Meaning kada isang sablay, meron ding isang tama. Balance lang, pare.

Meron din dito binanggit na ayaw na nyang magsorry.. Medjo mali. Bakit? Kasi sa bawat mali natin sa buhay, dapat tayo humingi ng tawad sa Kanya (paniguradong mapapatawad ka nya as long as you are sincere..) at syempre dun sa taong naging sablay tayo. At dun sa linyang "ayaw ko ng magsisi..", tumpak! Wala ng sisihan.. Huwag mo nang sisihin sarili mo pag nagkamali, walang sisihan pag nagkamali ang isa. Tao eh, sadjang nagiging sablay paminsan. Ganun ang buhay. Madalas nagkakamali, nagkakasala, sumasablay...

Para sa mga taong sablay, mapa-dalas man o hinde, eto para sa inyo! *aprub*

Please lang wag kang magulat
Kung bigla akong magkalat
Mula pa nung pagkabata
Mistula nang tanga
San-san nadadapa, san-san bumabangga
Ang puso kong kawawa, may pag-asa pa ba?

Ooh, ayoko nang mag-sorry
Sawa na ko mag sisi
Pasensya ka na, mabilis lang ako mataranta

Ako ang hari ng sablay, ako ang hari ng sablay
Hinding-hindi makasabay
Sabay sa hangin ng aking buhay
Hari ng sablay, ako ang hari ng sablay

Ako ang hari, ako ang hari
Isang tama, sampung mali
Ganyan ako pumili
Di na mababawi ng puso kong sawi
Daig pa ang telenovela
Kung ako ay madrama
Ganyan ba talaga, guhit ng tadhana?

Ooh, ayoko nang mag-sorry
Sawa na ko mag sisi
Pasensya ka na, mabilis lang ako mataranta

Ako ang hari ng sablay, ako ang hari ng sablay
Hinding hindi makasabay
Sabay sa hangin ng aking buhay
Hari ng sablay, ako ang hari ng sablay
Ako ang hari, ako ang hari

-Hari ng Sablay, Sugarfree

2 Comments:

Blogger TR said...

Experience is the best teacher, they say! ;) What matters is not how many times you did stumble, but how many times you stood up everytime you do. :)A gem has to go through fire to shine, a soul has to go through purgatory and be cleansed before going to heaven, a wise man has to go through a lot of hard times to acquire wisdom! Take that experience in a positive way. :) Kaya next time... ingat sa piracy! LOL

10:43 AM  
Anonymous Anonymous said...

I can't remember where I read it, but there's this guy who said that Hari ng Sablay also has it's political shout. You can see it in the video.

2:44 AM  

Post a Comment

<< Home