Tuesday, January 08, 2008

Sakit Sarap Saklolo! (Bawal Magkasakit!)

First of all, ang King ng Dudap Clan ay muling nagbabalik para mag-blog at magpa-cute. (O sya, bow down na kayo sa hari…. Boooooooooow)

Ano nga ba’t nakain ko para mag-sulat uli? Sirit na kayo!? Sabi kasi ng Boss Crashy ko, since wala daw akong ginagawa dito sa bahay kasi ako’y may sakit, she suggested the following:

  • Mag-internet (Technically, this is what I’m doing right now)
  • Sound-trip while writing my thoughts
  • Magsulat sa hangin
  • Subukan ipasok ang sarili sa ref! (very sensible and possible, right guys?)

Since hinde ko kayang gawin ‘yun pang-huling suggestion, sinubukan ko ‘yung pangatlo. I tried so hard! But the wind kept on erasing the thoughts! Bad trip diba?! So ayun, dito na lang sa blogspot ko sinulat ‘to…walang pakialamanan kung hinde ako kasya sa REF, ok?

Anyways, let’s try to be serious na.

Mahirap pala magkasakit anoh? 2 days nakong hinde pumasok dahil sa p*ny*t*ng bronchitis na toh.. Ngayon ko lang sya na-encounter kaya nakipag-bunong braso akong mabuti.. Ayun, talo! Kaya 2 days din akong bedridden. Bukas, susubukan ko nang pumasok dahil miss nako ng Crown Asia and our very kind, makulit, sometimes-irritable buyers. (peace tayo, Sirs and Mams!)

Ang hirap ng kalagayan ko kasi its hard to breathe, yah know…? Tapos mamaya, aatakihin ako ng ubo at sinat. Well, I prayed to Him already na sana gumaling ako agad para I could do the tasks He assigned to me and my other responsibilities; sa office, sa bahay, sa YAM and sa Badminton court. Ang Sakit!

Just a realization din.. When you’re sick, siguro this is the time that God wants to talk to you.. He wants you to call upon Him.. to strengthen your faith, and to rely not only on the medicines you take but to HIM importantly. God wants to talk to you at your weakest kaya if your sick, kausapin mo lang Sya, kwentuhan mo ng buhay mo na sa kaibigan o kapitbahay mo lang tsinitsismis. God always listens.

O nga pala, Macky’s infamous (naks!) OREO REF CAKE is back to business! Pwedeng pede na kayo mag-order ngayon.. It’s creamier and more delicious! Sakto tapos na ang Pasko at kainan.. siguro ang iba sa inyo ay tumaba o bumigat ang timbang.. Bakit hinde nyo sulitin? Kumain pa ng pampataba! Jk… Teka teka, who said you’re the one to eat this? Bumili kayo at ipakain sa iba para sila ang tumaba! (Wise move?) Atleast napasaya nyo pa sila… 120 php lang po per piece. Free delivery within Pilar Village, Las Pinas only. Hahaha! Pramis… maSARAP to!

Lastly, before I end my eulogy este my blog (Akala ko kasi mamamatay nako sa sakit kong ito eh!), I’d like to greet everyone a happy, exciting new year 2008! It’s another year for us to strive hard, to welcome trials and to receive lots and lots of God-enriching blessings. 2007 has passed and we have to move on. Pwede lang natin balikan ang masasayang alala ng nakaraan.. Kalimutan ang kalungkutan at kasawian dahil ang mga eto ay makakasama lang ng iyong health! Baka magkaroon ka lang ng wrinkles, pimples, pigsa, at kung ano pang kapangitan sa katawan. Okidok?

So susunod uli na blog! Sana hinde ako tamarin. Hehehe! Kaya… save meeeeeeeeh from the sickness of katams! Katamaran… Sakloloooooooooo!

1 Comments:

Anonymous Anonymous said...

Lessons Learned?

1. alamin muna kung magkano ang gamot bago ka magkasakit (dapat mga 295 Php below... ;p)
2. kung ipapamigay ang Oreo Ref Cake, siguraduhing hindi babaeng nagdi-diet ang bibigyan kung ayaw masayang ang “creamier and more delicious”na ref cake ;p
3. wag piliting ipagkasya ang sarili sa ref kung masyado kang malaki para dito dahil ikaw naman ang kumakain ng halos lahat ng laman nito….

Wahahahaha!!!! Peace, Pinky!!!

5:24 PM  

Post a Comment

<< Home